Kabanata 47: ESMERALDA

1330 Words

HUMIGIT NG MALALIM na buntong hininga si Norberto sa tanong ni Noah. ‘Tamang panahon na ba na malaman ng anak ang lihim patungkol kay Esmeralda? Patungkol sa lihim ni Selma?’ “Papa, inuulit ko sino si Esmeralda? Bakit siya ginawan ng pintang kuwadro ng aking Mama?” “Sumunod ka sa silid aklatan, Noah. ‘Wag mong iiwan mag-isa rito ang apo ko. Tawagin mo si Josie nang may makasama si Ethan.” “Sige ho, susunod ako.” Pinuntahan ni Noah si Josie sa silid nito. Makailang ulit siyang kumatok ngunit walang sumasagot. Hindi sarado ang seradora ng pintuan kaya pumasok na si Noah sa silid ng kasintahan. Rinig ni Noah ang pagaspas ng tubig na nanggagaling sa banyo nito. Kaya naisipan niyang maghintay na lamang na matapos ito. Nang maboro sa kahihintay nilibot ni Noah ang silid ni Josie hanggang ma

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD