PANAHON NA UPANG malaman ni Noah ang kaugnayan niya kay Manolito.Ito na ang tamang oras na malaman nitong kilala ni Emma si Noah mula pa pagkabata. “Hindi sila kamag-anak ni Manolito,anak” pag-amin ni Norberto kay Noah. Diretstong nakatingin si Norberto habang sinasiwalat sa anak ang katotohanan.” Patawarin mo ako,anak. Binabayaran ko lamang ang mga taong iyon upang may matuluyan si Manolito.” “Sino iyong Tita Marie ni Manolito, Papa?” “Iyong may ari ng bahay sa Binangonan, Rizal?” “Oo, Papa. Binayaran mo rin ba o tiyahin iyon ni Manolito?” “Tiyahin niya. Si Maria Elena. Si Marie ang kapatid ni Natoy. Binawian na rin siya ng buhay.” “Ibig ninyong sabihin lahat ng patungkol kay Manolito ay huwad?’Wag ninyong sabihin maging si Manolito ay bantay ninyo sa akin?” “Patawad, anak. Oo,