Jasmine Nakakatatlong balik na naman ako sa banyo nang umagang ito. Kumain na ako ng crackers pero hindi nito napigilan ang maduwal ako. Hinang-hina na ako ngunit wala ako magagawa kung 'di tiisin ang pagiging maselan ng baby ko. "Ayos ka lang ba diyan, Jasmine?" alalang sigaw ni Mr. Cojuangco sa labas ng banyo. Maging siya man ay nataranta sa aking pagduduwal. Wala naman siya ibang maitulong sa akin kung 'di ang alalayan ako at hagurin ang likod ko. "O-Opo, ayos na ako," pagsisinungaling ko kahit na ilang beses pa ako naduwal bago ako tumigil at sumalampak malapit sa toilet bowl. "Maliligo lang po ako." "If you need help, just call my name, okey?" "Opo." Pumikit ako saglit para pawiin ang hilong aking nararamdaman. Hinang-hina na ako dahil lahat ng kinain ko kagabi ay nailabas ko di

