Sky Pasulyap-sulyap ako sa kanya habang nagda-drive ako, hindi ko maiwasang sulyapan siya dahil kanina pa siya tulala sa labas ng bintana. Tahimik at malalim ang iniisip. Minsan naman bigla siya hahawak sa bintana at parang bata na maa-amaze sa magandang tanawin na aming nadaraanan. Pangatlong labas na namin ito. Nang una ko siya ilabas ay pumunta kami ng hospital ni Justin para ipa-check up siya sa OB na inirekomenda niyang maging obstetrician ni Jasmine. Nang pangalawa naman naming labas ay namasyal lang kami sa dagat dito sa San Juan. Para naman makalanghap sila ng sariwang hangin ng anak ko. Ayoko namang nasa bahay lang siya at nagkukulong sa kwarto. Sabi ng OB niya ay maganda para sa buntis ang makakita ng magagandang tanawin at makalanghap ng sariwang hangin. Makakaiwas siya sa s

