Sky Wala sa loob na pinaglalaruan ko ang sign pen na hawak ko habang marahas na nagpapakawala nang malalim na buntung-hininga. Nadi-disappoint pa rin ako until now dahil sa kanya. Hindi ko matanggap na ganoon ang isasagot niya sa akin. Naririto ako sa opisina ko, alas-siyete na pero hindi pa rin ako umuuwi. Kanina pa nakauwi ang lahat ng empleyado ko at ako na lang at ang mga guard ang naiwan dito. Ayoko muna umuwi. Gusto ko muna pumunta somewhere at maglasing. Paulit-paulit kasi nagpi-play sa utak ko ang usapan namin ni Jasmine. At hindi iyon kayang tanggapin ng utak ko. I'm expecting it actually, umasa lang talaga ako na, oo, kahit na malabong iyon ang isagot niya. Bakit nga naman siya sasagot ng oo, sa alok ko. She hates me. She doesn't like me and ofcourse she doesn't love me. K

