Erwin "Sky, tama na 'yan. Nakakarami kana," saway ko kay Sky nang tumungga na naman siya ng alak. Tinangka ko agawin ang kopitang tangan niya ngunit hinawi lang niya ang kamay kong pipigil sana. Lasing na siya, hindi na siya dapat umiinom. "Ano ba, Er!" bulol na singhal niya sa akin. "P-Pabayaan mo nga 'ko!" Muli na naman siyang tumungga. May tama na talaga siya. Pati mga salita niya hindi na diretso. Wala na sa ayos ang suot niyang damit at parang hihilata na yata siya sa sofang sinasandalan niya. Namumungay ang kanyang mga mata at baka bigla na lang makatulog dito. Napakamot ako sa ulo, habang si Justin ay may kausap pa rin sa cellphone. Mahihirapan kami nito, 'di bale nandoon naman sa garahe ang dalawa niyang bodyguard. Sila na bahala umasikaso sa boss nila. Ang bigat pa naman ng

