Justin Nakakainis ang lalaking 'yon! Ang bagal kumilos, mamaya maunahan pa siya ng iba. Concern lang naman ako sa kanya dahil gusto ko nang matapos ang lahat ng paghihirap niya. Nais namin siya makitang maligaya ni Erwin kaya gusto kong kumilos na siya. Hindi ko naman talaga gustong sabihin ang mga salitang iyon sa kanya ngunit kailangan na para kumilos na siya. Nasa paligid lang si Jenny at alam kong gagawa iyon ng paraan para muling mapaikot si Sky sa mga kamay niya. Sky is a damn billionaire now, malamang maging target na naman siya ni Jenny lalo na at pera lang naman ang nagpapasaya dito. Mag-iisip na naman iyon ng plano para mahulog muli si Sky kanya. But sad to say, hindi na mangyayari iyon. Sky is in love with Jasmine and we're so glad about that. Maging maayos lang ang lahat sa

