Jasmine Naalimpungatan ako sa mga yapak ng paa na papalapit sa kama. Kilala ko ang mga yapak na iyon at parang nais lumundag ng puso ko palabas ng bibig ko. Kahit hindi ako magmulat ng mga mata ay alam ko na kay Mr. Co---I mean kay Sky iyon. Nais kong buksan ang mga mata ko ngunit hindi ko magawang buksan ito. Kinakabahan ako na mamulatan ang mga pamilyar na matang iyon na laging nagbibigay ng kakaibang pakiramdam sa akin. Humahalimuyak sa buong kwarto ang strawberry kong pabango na gamit niya. Ito na ang ginagamit niya simula nang sabihin kong hindi ko gusto ang amoy-patay niyang pabango. Napapangiti na lang ako kapag naalala ko 'yong mga oras na 'yon. Hinimatay ako dahil sa pabango niya. Hindi ko naman gusto maging ganoon ang deskripsiyon ko, pero iyon talaga ang sumusuot sa ilong ko

