Suminghap ako ng sariwang hangin nang makalabas ako sa building kung nasaan ang unit ko. Namataan ko si Ria na halatang inaabangan ako. Sinabihan niya kasi ako kagabi na isasabay na niya ako sa pagpasok sa opisina. "Bakit ganiyan ang mukha mo? Nakatulog ka ba?" Bungad na tanong sa akin ni Ria nang makasakay ako sa sasakyan niya. "Eh si Daddy..." Huminga ako ng malalim at saka ko hinugot sa bulsa ko ang iPhone ko. "Nag-text sa akin si Attorney, sinusumpong na naman ng matinding allergy si Daddy, saka kailangan ko ulit siyang mapa-check up sa doktor." Sabi ko pa kay Ria na tahimik na nakikinig habang nagmamaneho. "Baka naman.. Uhm, kasi kukulangin 'yung pera ko... Pwede ba akong makahiram sa'yo ng kahit three thousand?" Bumuntong hininga naman si Ria, "Mabuti na lang at tapos na ako sa