Matapos kong tumawag sa pulis ay saka ako naghanap ng matataguan. Gusto ko sanang pumuslit palabas ng unit ko, kaya lang ay baka makita ako ng magnanakaw. Bakit ba naman kasi sa dinarami-rami ng mananakawan ay ako pa! Kung minamalas ka nga naman. Ilang minuto pa ang nakalipas ay sobrang kinakabahan na ako. Para bang dumadagundong ang puso ko sa kaba lalo na nang makita ko ang isang lalaki na palabas sa kwarto ko bitbit ang isang bag.. Doon niya siguro pinasok lahat ng mga ninakaw niya. Pumikit ako at saka huminga ng malalim. Ilang saglit pa ay nakarinig na ako ng ingay. "Itaas mo ang mga kamay mo!" Oh my god! May pulis na nga! Nakita ko kung paano posasan ng pulis ang magnanakaw. "Sumama ka sa amin sa presinto." "Sir! Teka! Teka! Hindi po..." "May karapatan kang manahimik. Anuman