"KINALIMUTAN na nga ako ng ex boyfriend ko eh. Wala na akong pakialam sa kanya! Gago siya dahil iniwanan niya ako!" Ani Ria, kaibigan ko at katrabaho ko. "Hayaan mo na si Ohm, Ria. Malaki na siya at sigurado naman na tayo na alam niya ang ginagawa niya. Hindi siya ang nararapat sa'yo." Sabi ko pa sa kanya. Nandito kaming dalawa sa isang fine dining restaurant sa Makati. Kakatapos lang ng duty namin sa trabaho. "Oh siya... Makisabay ka na muna sa akin pauwi... Bakit mo ba kasi binenta yung sasakyan mo?" Tanong pa sa akin ni Ria. Noong isang linggo nang maibenta ko sa isang may-ari ng malaking tindahan ang sasakyan kong Ford Ecosport ko. Nag-iisang sasakyan ko pa iyon na regalo pa sa akin ni Daddy noong nakaraang taon. Napilitan lang ako na ipagbili ang sasakyan ko dahil lumubog na kam