Part 24

2393 Words

Ang Hari ng Angas AiTenshi   Part 24   Lumipas ang mga linggo sa buhay namin ni Shan. Maayos naman ang takbo ng lahat at patuloy pa rin kami sa aming pag mamahalan. Habang tumatagal ay nag iibayo ang aming relasyon bilang mag kasintahan. Nandiyan yung mga lambingan namin sa isa’t isa kapag magkatabi kaming naka higa sa kama. Minsan naman ay nag lilibot kami sa iba’t ibang lugar kasama si Ralph pati na rin sina mama at papa. Parang ito na ang nag sisilbing family bonding namin tuwing weekend. Anak na rin kasi ang turing ng aking mga magulang kina Shan at Ralph kaya naman lagi na silang kasama sa lakad ng pamilya.   At tungkol naman kay Dante, maayos na siya at sa ngayon ay tanggap na nya ang mapait na pa kabigo sa kanyang unang minamahal. Hindi naman naging sila ngunit alam nyo nama

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD