Ang Hari ng Angas AiTenshi Part 20 Lumipas ang mga araw sa buhay namin ni Shan bilang mag kasintahan. Masasabi ko na maayos naman ang lahat at uma ayon sa amin ang mga pag kakataon. Siyempre labis din ang tuwa ni mama at papa dahil nag karoon sila ng bagong mga anak, ito nga si Shan at si Ralph at ngayon ay kasama namin sa bahay dahil dito na rin sila nakatira. At iyon ang labis na ipinag papasalamat ni Shan kina mama at papa. Hindi alam ng aming mga magulang ang tungkol sa aming relasyon ngunit batid kong may ideya na rin sila dahil sa paminsan minsang sweetness namin na hindi maitago sa bawat isa. Inamin ko na rin kay Dante at Eugene ang tungkol sa amin ni Shan. Noong una ay hindi sila makapaniwala ngunit hindi nag laon ay tinanggap na rin nila ito at ipinakita ang kanilang