Kulay ng Tag Lagas Seansons of Love Memories from the Past.. Ang Hari ng Angas AiTenshi Part 19 "Mahal mo ba talaga ko o naawa ka lang sa akin? O nalaman mo lang na mahal kita kaya mahal mo na rin ako? Alin sa dalawang ito?" ang tanong ko kay Shan habang nauupo sa kanyang tabi. "Gago, mahal talaga kita." ang sagot naman nito habang nakatingin sa akin "Gago ka rin! Abnormal pa! Bakit hinintay mo pang mag upakan tayo sa mukha? Sana ay hinalikan na lamang nating ang isa’t isa. Nakakahiya tuloy sa puntod ng nanay mo. Sorry nag kapasa tuloy sa nguso." pag hingi ko ng tawad habang hinihimas ang pasa sa kanyang labi dulot ng aking pag suntok. "Ako nga dapat mag sorry e, nag black eye ka tuloy. Mukha ka tuloy racoon." ang biro naman nito at nag tawanan kami. "Tarantad