Ang Hari ng Angas AiTenshi Part 18 Sa pag lipas ng mga araw, mas lalo pang humina ang kalagayan ng ina ni Shan, batid namin na nahihirapan na ito dahil kahit ang dumilat ay hindi na nito magawa. Labis naman nahabag habang hawak ng kanyang dalawang anak ang kamay nito habang ginagamot ng doktor. "Patawarin mo ako inay dahil hindi man lang kita na bigyan ng ginhawa sa buhay. Sana ay mapatawad mo ako kung madalas ay sakit ako ng ulo at walang ginawa kundi humanap ng gulo. Alam kong hindi biro ang palakihin kami ni Ralph ng mag isa ka lamang dahil damang dama ko ang pag hihirap mo kapag wala tayong makain, lalo na kapag umuulan at kumakalam pa ang ating sikmura habang ang tumutulo ang ating bahay. Wala akong magawa upang tumulong sa iyo. Sana ay ako na lamang ang nakaratay dyan at hindi