Dahil sa pag-iyak kahit nasa eroplano ay napahimbing angg tulog ni Antonette sa himpapawid. Hindi na niya namalayang nasa bansang sinilangan na pala sila. "Kabayan, nandito na po tayo sa bansa at ikaw na lang ang naiwan sa eroplano. Okay ka lang po ba, Ma'am?" tanong ng isang Pinay stewardess. Kaya naman ay napaupo ng tuwid ang dalaga saka lumingon-lingon. Tama nga ito, wala ng ibang tao sa loob ng eroplano kundi siya at ang stewardess na lang. Agad siyang tumayo at kinuha ang bag. "Sorry, Ma'am napahimbing ang tulog ko. Salamat din po pala sa panggigising mo sa akin. Sige po, Ma'am, mauna na po ako," aniya. "Nothing to worry, Ma'am. It's my pleasure to help anyone lalo at nananaginip ka. Sa katunayan ay may luha pang naglalandas sa pisngi mo," anito. Tama naman kasi ito, may luha pa