"What's your problem, Iho? Kanina pa kita napapansin diyan na parang balisa ah," hindi nakatiis na tanong ni grandma Princess Quennie sa apo. "Wala po, Lola, matulog ka na po, Lola." Paglilihis ng binata sa abuela ngunit dito na siya lumaki, nagkatrabaho. Kung tutuusin ay makakapasok siya ng kahit anong trabaho sa bansa ng ama pero mas nananalaytay ang dugong Pilipino sa kaniya. Kaya't sa mga ninuno na nila siya nakatira at alam na alam ng mga ito kapag may problema siya. Kagaya ng gabing iyon na hindi siya mapakali. "No, Khalid apo ko. Alam kong may problema ka patunay lamang na aburido ka and besides see those bottles? Hindi ka lasenggo apo at hindi mo ugaling magsolo. That's why I know that you're in trouble. C'mon speak up, my dear," aniyang muli ni Grandma Queennie. Tama naman kas