KABANATA 32: HE said it was okay, but it was different when I saw him alone in the office. Malalim ang kanyang iniisip at halatang problemado. I woke up in the middle of the night na wala siya sa tabi ko at natagpuan ko ang sarili na lihim siyang pinapanuod sa office nito. Nakatulala habang pinaglalaruan ang yelo sa loob ng baso. Paulit-ulit niyang ginagalaw habang titig na titig doon. Kinagat ko ng mariin ang ibabang-labi habang nakasandal sa likod ng dingding. Bigla akong nakaramdam ng awa sa kanya. Simpatya. Disappointment naman sa sarili dahil hanggang ngayon hindi ko maibigay ang bagay na gusto niya. Natatakot ako dahil wala din akong silbi. Natatakot ako para din sa kanya lalo na nasabi niya sa pamilya nila na buntis ako para lang matigil sila sa pangdududa. Kumbinsido kasi si Ma