"Buntis paanong buntis Babe?Nababaliw ka na ba?" Natatawang tanong niya dito. "Kailan ka huling dinatnan ng buwanang dalaw Babe?" seryosong tanong nito sa kanya. Napakunot-noo naman siya dahil parang higit isang buwan na nga naman siyang hindi dinadatnan nawala na nga sa kanyang isipan ang bagay na iyon dahil na rin sa naging busy na silang dalawa para sa preparasyon sa kanilang kasal. "Wait dito ka lang, para makatiyak tayo lalabas lang ako saglit at may bibilhin ako!" wika nito na tila nagmamadali tsaka tumakbo na palabas ng bahay Ni hindi na nagawang hubarin ang suot na apron. Siya naman ay naiwang natitigilan dahil hindi niya inaasahan ang bagay na iyon. Kung totoo man, masaya siya dahil magkakaanak na sila pero naisip niya na papaano na ang kanyang mga pangarap. Papaano na ang p

