Tatlong araw lang na nanatili si Faye sa ospital at nakalabas na rin ito. Nagpasya rin sila ni Amaya na hindi na ito idamay sa reklamo dahil sa sinapit nito at lalo na ang pagkawala ng anak nito. Nagkaroon din ng salo-salo o pamamanhikan, opisyal na niyang hiningi ang kamay ni Amaya sa mga magulang nito. Naitakda na rin ang eksaktong petsa ng kanilang kasal. Napagpasyahan na sa susunod na buwan na gaganapin iyon. "Babe hanggang ngayon parang hindi pa rin ako makapaniwala na ikakasal na tayo. Parang nakakatuwa lang dahil ang dami dami nating problema, sobrang dami nating pinagdaanan na akala natin hindi tayo makakarating sa sitwasyon natin ngayon. Akala ko hindi na natin matutupad ang pangarap natin na maikasal." puno ng kasiyahang wika ni Amaya habang nakayakap kay Amir. Nasa bahay sil

