"Tita Juanita, anong oras po tayo uuwi?" tanong naman ni Cerine. "Mga 4 pm or 5pm siguro, kaya sulitin nyo na ang pagtatampisaw ninyo kasi hindi natin alam kung kailan na naman to masusundan. Tsaka wag kayong mag-alala kahit gabihin tayo ng uwi ihahatid nalang namin kayo ng tito Julyo ninyo sa inyong mga bahay," sagot naman ng kanyang Mommy dito. "Ay salamat naman po Tita, nag-chat na po kasi ang Nanay at Tatay ko po, nag-aalala na po siguro kasi may sakit po kasi ang Nanay ko at iyong tatay ko naman eh may katandaan na rin po. Hindi rin makapagtrabaho ng maayos kaya po kapag walang pasok dumi-diskarte po ako sa palengke. Minsan naman po sa may simbahan nagtitinda-tinda ng kung anu-ano para po may maitulong sa kanila. Syempre po ngayong dalawang araw na hindi ako nakadiskarte baka wala

