"Grabe ngayong hapon malamig na tubig no? Kanina kasing umaga medyo maligamgam pa ang tubig, hayyy kung pwede lang sana na wag na lang umalis dito. Alam niyo siguro sa past life ko siguro sirena ako kasi alam n'yo gustong gusto ko talaga lagi na nasa tubig. Tapos napakagaling ko pang lumangoy diba babe?" wika naman ni Amelia at dinamay pa talaga ang boyfriend na si Jake. "Baka naman kapamilya ka ni dugong feeling mo lang talaga mermaid ka kaya gano'n." pang-aasar naman naman dito ni Cerine. "Kahit kailan talaga kontrabida tong babae na to sa buhay ko. Sa ganda ko ba naman na 'to, mukha ba akong dugong ha. Pero pwede naman kung princess ako ng mga dugong di ba?"wika naman nito. "Oi, ano namang drama ninyo Amaya?Bakit hindi tayo magkadikit ngayon ni Ryan, LQ ba?" Tanong naman ni Monica

