Magkatabi sila ni Monica pero ng umupo na siya sa tabi nito ay umalis ito sa upuan nito at lumipat sa ibang bakanteng upuan gano'n din naman si Cerine na nasa may bandang kaliwa niya. Umalis din ito at lumipat sa upuan na katabi ni Monica para tuloy gusto niyang maiyak dahil hindi siya sanay na galit ang mga ito sa kanya pati na sina Brandon, Jake, at Aljay hindi din siya pinansin pero si Ryan lumapit ito sa kanya at umupo sa tabi niya. "Ano ba Ryan tatanga tanga ka ba hanggang ngayon magpapaloko ka pa ba babae na yan! Niloko ka na nga diba pinagpalit ka na sa mas matanda ano pang ginagawa mo diyan talagang kinakampihan mo pa siya! Sira ulo ka akala pa naman namin okay kayong dalawa, talagang pinagtakpan mo pa yang babae na yan! Alam mo na siguro sa resort palang, at hindi rin totoo na na

