Chapter 124: Part 1 Nabitawan niya ng wala sa oras si Myra at tinignan ng mabuti ang video sa cellphone ni Kelly na hawak-hawak nito. Nakapost iyon sa f*******: at nakapublic ang post at iyon ay sa account mismo Myra at halos manlaki ang kanyang mga mata dahil nagtrending ang post ng babaeng ito umabot na ng 8 million views at almost three hundred thousands na ang shares tiningnan pa niya ang mga comment at talaga namang hindi mo masisikmura ang mga comment ng mga netizens na nakapanood dahil sa caption ni Myra na scandal ni inaanak at ninong tapos may konti pang introduction about sa kanya at kung sino ang lalaking kahalikan niya. Halos manlaki ang ulo niya sa natuklasan. Ang iniiwasan nilang kumalat at makarating sa mga mahal nila sa buhay ay hindi lang pala sa mga close friends nila

