"Tangina mo pagkatapos mong pagtangkaang gahasain ang mahal ko magmamakaawa ka ngayon sisiguraduhin kong hindi ka na mahahanao ka pa ng mga magulang mo!" kapag inihulog niya ito doon ay ang babagsakan ay mga batuhan sure na hindi ito mabubuhay at dahil malakas ang hampas ng tubig ay siguradong matatangay ito ng karagatan. Sa sobrang galit niya ay akmang bibitawan na niya ito. Pero biglang may kamay na humawak sa kanya. Nilingon na niya ito at ang maputlang mukha ni Amaya ang tumambad sa kanya lumuluha mukha umiling sa kanya. Tila sinasabi nito na wag niyang gawin iyon. Kaya naman agad na lumambot ang puso niya at hinila niya ang lalaki at itinulak niya ito sa malapad na bato na malayo sa bangin napahandusay ito doon at umiyak ng umiyak. Mahigpit naman niyang niyakap ang kanyang mahal

