Napakunot ng noo ni Amir ng matanaw si Amaya at si Ryan na patungo sa may bakawan, baka balak ng dalawa na manguha ng shell gaya ng nais sanang gawin ni Amaya kahqpon. O kaya baka sinabi ni Amaya dito ang lugar na pinuntahan nila kahapon kay Ryan. Hahayaan na sana niya ang mga ito at hindi niya sana papansinin ngunit napansin niya na parang kakaiba ang kilos ni Ryan. Naiirita na kasi siya sa bunganga ni Faye, nag-aalburoto na naman ito dahil sa selos na naman kay Amaya habang nag-aalmusal sila. Kulang na lamang ay saktan siya nito pero mukhang nakakapagtimpi pa naman. Pero wala na siyang pakialam pa kung magsalita man ito sa mga magulang ni Amaya gaya ng palagi nitong panakot sa kanya. Ngayon pa ba na medyo may linaw na ang sa kanila ni Amaya. Basta ang mahalaga lang sa kanya ngayon ay

