"Okay na iyon, kalimutan na natin iyon magsimula tayo ng panibagong buhay bilang magkaibigan. Maaasahan ko na iyan na magiging kaibigan ko pa rin kayo at huwag mo nalang din munang banggitin sa mga kaibigan natin ang tungkol sa lihim ko. Alam ko na mga kaibigan natin sila pero hindi natin maiiwasan na baka husgahan nila ako." paki-usap niya dito. "Makakaasa ka, hayaan mo at hihintayin ko na lamang na ikaw na ang magtapat sa kanila. Sana rin maging okay na din kayo lahat ulit." wika ulit nito. Kahit kailan ay napakabuti talaga nito sa kanya. Kaya naman yayakapin sana niya ito ngunit bigla siyang pinigilan ng kanyang Ninong na noon ay nakalapit na pala sa kanila. "Wag nang yumakap, wala kang damit eh!" wika nito at talagang itinabing pa ang kamay sa may parte ng dibdib niya. Natawa na

