"Diyos ko! Anong nangyari sa inyo?!" bulalas ng Mommy ni Amaya ng makita silang tatlo. Lalo na kay Ryan naka tingin ito at agad na chineck ang mukha nito dahil nga may mga naiwan pa ngang dugo sa gilid ng labi nito. Agad namang hinubad ng Daddy niya ang polo nito at ibinalot sa katawan niya. "Nadisgrasya lang po kami Mommy, umakyat kasi kami doon sa unahan ng bakawan sa may mga batuhan po. Nahulog po si Ryan at maging si Ninong po. Buti na lang po nailigtas niya si Ryan, ako naman po ay napasabit ang bikini top ko sa batuhan kaya na sira po." paliwanag niya sa mga ito. Syempre nagsinungaling siya at hindi naman maaaring malaman ng mga ito ang totoong nangyari sa kanila. "Eh, bakit ba kasi kayo nagpunta-punta pa doon? Mga pasaway kayo, napakalayo no'n ah, at napakadelikado!" wika muli

