bc

Boss Tannie

book_age16+
1.0K
FOLLOW
3.7K
READ
love-triangle
brave
comedy
bxg
humorous
witty
friendship
school
like
intro-logo
Blurb

Professional na magnanakaw? Tiffannie De Guzman 'yan!

Si Tiffannie De Guzman na mas kilala bilang "Tannie" ay matinik pagdating sa pagnanakaw at matik na may nananakaw. Ang pagnanakaw ang masasabi niyang legal sa kanya at ilegal sa batas. Lahat ng techniques pagdating sa pagnanakaw ay alam at nagawa na niya. Siya ang may kasabihan na, "Mas professional pa ako sa professional.".

Ngunit paano kung usapang pag-ibig na? Professional pa rin kaya siya? Ang kanyang kababata at bagong kakilala ay parehong nahulog sa kanya. Sino ang mas dapat niyang piliin? Sino ang mas nilalaman ng puso niya?

Kapag professional ang usapan, expert si Tannie d'yan!

Usapang nakawan, alam ni Tannie 'yan!

Pero pagdating sa pag-ibig, alamin natin 'yan!

chap-preview
Free preview
Prologue
"SUKI!! Bili na kayo!! Sale kami! Murang-mura na lang!"   "Bili kayo rito! Nag-iisa na lang. Bilhin niyo na! Sulit ang singkwenta pesos niyo!"   "Halina kayo rito mga Madam! Sir! Fresh na fresh ang mga gulay namin!"   Iba nga naman talaga kapag nasa palengke. Ang dami na ngang tao, ang ingay pa. Pero mas okay na rin kung ganito ang senaryo. Hehe!   Lumapit ako sa isa sa mga stall dito sa palengke. "Ate, magkano rito?" tanong ko at mas sumiksik pa sa isa sa mga customer niya. Target ko 'yong cellphone niya.   "Kinse na lang, ganda. Ilan?" Ngumiti lang ako sa tindera at mabilisang hinugot iyong cellphone na nasa bulsa nitong katabi ko. Nilagay ko ito agad sa aking backpack.   "Salamat na lang ate," sabi ko at umalis na. Napangisi ako. Napaka-basic. Lemme find my next target!   Nagpatuloy lang ako sa aking ginagawa hanggang sa parami nang parami ang mga nagiging biktima ko. Smooth lang! Dahil hindi na kasya sa bag ko 'yong iba, nilagay ko na lang sa bulsa ko. 'Di naman nila mahahalata na may nakalagay sa bulsa ko dahil malaki-laki naman 'tong t-shirt ko. Advantage nga naman.   Aalis na sana ako sa palengke nang may makita akong pogi. Ay charot! Mga kasing edad ko lang siguro 'to. Mukhang mayaman din. Ayos 'to! Quota na naman ako.   Tiningnan ko 'yong mga dala ko. Punong-puno na pero bahala na. Kapag nahuli, ‘matik takbo na lang.   Lumapit ako doon sa lalaki na tumitingin ng prutas. Nakitingin din ako at nagtanong-tanong. "Lola, magkano sa saging na saba?"   Mas lumapit ako lalo sa lalaki at pasimpleng kinuha 'yong wallet niya.   "Sixty ang isang kilo, hija."   Nagkunwari akong nag-iisip. Nang makuha ko na ang pakay ko ay sinagot ko si Lola. "Sige ‘La, next time na lang."   Umalis na ako do'n at mabilisang lumabas ng palengke. Nang makalabas ako, tsaka lang ako nakaramdam ng ginhawa. Hindi na naman ako nahuli! Iba talaga kapag pro na!   "Miss!" Hindi ko alam kung ako ba tinatawag no'n kaya hindi na lang ako lumingon. Baka sabihin pang ang assumera ko. "Miss Ganda!"   Ay ganda raw, ako nga 'yon! Agad akong lumingon sa tumatawag sa 'kin at nakita ko 'yong yayamanin na lalaki.   Syete! Nalaman ba niya ginawa ko? T*ng*na! Teka… Kumalma ka, kalma lang.   Lumapit siya sa 'kin. "Cellphone mo," sabi niya at ipinakita niya sa ’kin 'yong cellphone na ninakaw ko. Napatikhim ako.   Peke akong napatawa at kinuha ang cellphone na hawak niya. "Salamat-" Pero napakahigpit nang hawak niya roon. Aba, t*rant*do ‘to, ah! Ayaw pa yatang bitawan.   "Wallet ko muna," sabi niya. Inilahad niya pa ang isa niyang kamay sa akin at saka ngumiti. What the hell? Alam niya? Napabuntong-hininga ako at kinuha 'yong wallet niya. Wala na akong magagawa, nahuli na niya ako.   "Oh. Exchange tayo," ani ko at kinuha 'yong cellphone na hawak niya kasabay nang pagkuha niya sa wallet niya.   Naglakad na ako palayo sa kanya. Napangiti ako. Walang exchange-exchange sa 'kin. Hehehehehe! Tiningnan ko 'yong relo na hawak ko saka ako pilyang napangiti. Hindi mo ko maiisahan.   Hindi pa man ako nakakalayo, muli niya na naman akong tinawag. Napakanga naman. Lumingon ako sa kanya.   "P*ta!" Napamura na lang ako nang makita kong hawak niya 'yong bag ko.   "Relo ko, Miss Ganda," natatawang tanong niya sa ‘kin. Tsanggala! Magnanakaw rin ba 'to?   Lumapit ako sa kanya at ibinato 'yong relo niya. Sinalo niya muna iyon bago niya ibinato 'yong bag ko. Sabi ko nga hindi ko na siya nanakawan.   Tumalikod na ulit ako sa kanya at magsisimula na sana akong maglakad nang tinawag niya na naman ako.   "What?!" pagalit kong sabi. Wala na akong ninakaw sa kanya baka sabihin niya pang meron. Sisipain ko 'to!   "Number ko baka gusto mo?" aniya habang nagpapa-cute pa sa akin.   Napangiwi ako. Ayos.   "Hindi na. Ma-virusan pa 'yong cellphone. Sayang lang nakaw ko," sagot ko na sinagot niya lang ng tawa. Baliw na 'to.   Tuluyan na akong umalis pero nahinto rin dahil sa biglang isinigaw niya.   "Miss, puso ko ninakaw mo! Pakibalik!"   Aba’t! Lumingon ako sa kanya at binigyan siya ng isang napakalutong na mura.   "P*tang*namo!" sabi ko at tumakbo na paalis.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

One Night Stand (R18-Tagalog)

read
1.9M
bc

Rewrite The Stars

read
95.3K
bc

MY STRICT TEACHER IS MY HUSBAND

read
1.8M
bc

THE RETURN OF THE YOUNG BRIDE

read
240.1K
bc

WHAT IF IT'S ME

read
67.0K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
129.5K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.3K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook