BT: Chapter 1

1505 Words
"Tita!" mahabang sigaw ko habang tumatakbo. Pumasok ako sa ukayan kuno ni Tita. "Tita! I'm back!" hihingal-hingal ko pang sabi. "Tannie, napakaingay mo!" singhal sa akin ni Kuya Karl. "Hula ko naka-quota na naman 'yan," sabat naman ni Kuya Kyle. "Matik na 'yon!" sagot ko pabalik sa mga pinsan ko. Sina Kuya Karl at Kuya Kyle ay mga anak ni Tita, mga magnanakaw rin pero mas magaling ako! Pro kaya 'to! Inilagay ko sa lamesa 'yong bag ko na puno ng mga nakaw na gamit at pati na rin 'yong nasa bulsa ko. Sayang talaga 'yong sa yayamanin na lalaki. Magnanakaw rin pala 'yon! Pero in fairness, 'di halata ah. "Buti 'di mo naisipan ilagay sa bra mo 'yang mga 'yan," sabi ni Kuya Kyle na pinapakialaman na 'yong mga cellphone na dala ko. "Kyle naman! Wala ngang d*de 'yan magba-bra pa." Abat! Sira ulo 'tong si Kuya Karl! G*guhan lang? Nagtawanan pa nga sila. "T*ngna kayo! Maraming advantage ang pagiging flat!" sigaw ko. Babatukan ko na sana sila pero mga bakla nga naman, nagsiiwas. Totoo naman eh, marami talagang advantage! Una, 'di ka mahihirapan tumakbo. Pangalawa, wala kang aalalahanin sa isusuot kasi wala namang makikitang cleavage at 'di ka rin mababastos. Pangatlo, kapag yuyuko ka hindi mo na kailangan takpan yung dibdib mo at marami pang iba. Flat is cooler than having big breasts men! "Tannie!" Napalingon ako sa tumawag sa 'kin. "Tita! ‘Tong mga ugok niyong anak inaaway ako! Kw*nina nila!" sumbong ko kay Tita. "Ma! Wala kaming ginagawa," pag-alma kaagad ni Kuya Kyle sa sinabi ko. "Ma! We didn't do anything." Si Kuya Karl na in-english lang 'yong sinabi ni Kuya Kyle. Akala mo talaga magaling mag-english, nagpapanggap lang naman. Hindi pinansin ni Tita 'yong sinabi namin. Dumiretso siya sa 'kin na tuwang-tuwa. Hula ko may kababalaghan na namang ginawa 'to. Ay mali, kat*rant*duhan pala. "Tannie!" tawag ulit ni Tita. "Oh?" sagot ko. "Tannie!" tawag niya ulit. "Ano nga?" Napakamot-ulo na ako sa paulit-ulit niyang tawag. "'Tita' kasi sabihin mo!” pagtatama niya. “Again. Tannie!" tawag niya sa ikatlong pagkakataon. Ay nice, may paganern. "Tita!” Itinama ko na ang gusto niyang itawag ko sa kanya. “Oks na?" Tinaas ko pa 'yong kamay ko na may okay sign. "Oks!" Ginaya rin ni Tita yung kamay ko. "Good news 'to, Tannie. Ni-register kita sa school sa Manila! Huwag ka na mag-stop! Matutupad na 'yong pangarap mo!" excited na sabi niya. "Ano?!" gulat kong tanong. Fake news 'tong si Tita. Pangarap ko raw, eh siya lang naman 'tong may gustong mag-aral ako. Wala akong hilig d'yan. Buti nga nakayanan kong mairaos 'yong junior high school days ko eh. "Tita, ayoko. Sila Kuya na lang pag-aralin niyo." "Hindi! Bawal ang ayaw! Tsaka wala nang pag-asa 'yang mga 'yan. Ikaw meron pa," paliwanag ni Tita sa akin. "Aray Ma!" reklamo ni Kuya Karl na umarte pang nasaktan 'yong damdamin niya. "Grabe 'yon!" segunda naman ng kapatid niya. "Ah basta! Register pa lang naman. Magte-test ka pa para malaman kung papasa ka sa kanila. Kaya mo 'yan." May kinuha si Tita sa bulsa niya at ibinigay sa akin. "Oh. Nakalagay na diyan 'yong address tsaka oras tsaka kung ano-ano pa. Ikaw na bahala." Tinapik pa niya 'yong balikat ko bago tiningnan 'yong mga ninakaw ko. Tsanggala naman! Ang dami ko pang gustong itanong pero sa susunod na lang siguro. "Tita, sa bahay lang ako," sabi ko na parang nawalan ng energy. Kailangan ko mag-recharge. Sino puwede kayakap d'yan? 'Yong wala pang jowa. Char. "Sige sige. Magpahinga ka na. Tutal quota ka na naman ngayon, maaga ulit out mo." Mi-no-motion pa ni Tita 'yong kamay niya na pinapaalis na niya ako. "Ma kami rin!" sabi ni Kuya Kyle at nagpaawa effect. Ginaya rin siya ni Kuya Karl. Mga sira ulo nga naman talaga. "Anong kayo rin?! Buti sana kung nagagawa niyo nang maayos trabaho niyo! Gayahin niyo si Tannie. Ang daming nananakaw," singhal sa kanila ni Tita. "Pro kasi ako Tita," sabi ko sabay belat sa dalawa kong ugok na pinsan at umalis na. Narinig ko pa silang nagrereklamo kay Tita. 'Yan! Ayaw kasi akong gayahin. Puwede naman nila akong gawin role model nila eh, paayaw-ayaw pa. Kw*nina nila, mga choosy pa sila. No'ng nasa bahay na ako, agad akong pumasok sa kwarto ko. Bahay 'to ni Tita, nakikitira lang ako. Baka sabihin niyo nakaw ko 'to. Hindi ahh. Simula no'ng mamatay mga magulang ko, si Tita na kumupkop sa 'kin. 11 years old ata ako noon. Siya na rin ang nagpaaral sa 'kin kahit nawalan na ako ng gana sa pag-aaral. Sinikap ko na lang na makapagtapos kahit high school lang. Balak ko sanang hindi na mag-Grade 11 at magnakaw na lang pero tsanggala si Tita, pabago-bago pag-iisip. Tiningnan ko 'yong papel na binigay ni Tita. Bahala na nga. Boston Senior High School Entrance Examination When: 05/13/20 Wednesday, 10:00 am onwards Where: BSHS Building 01 Room 1 and Room 2 >>>>> "MANILA? Manila? Manila?" Parang baliw kong tanong sa sarili. Lupet naman dito. 'Yong school na papasukan ko katapat lang ng mall. Ayos! Masarap magnakaw d'yan, may thrill! Boston Senior High School Pangsosyal yata 'tong school na 'to. Bakit dito pa ako ni-register ni Tita? Ay 'di bale ibabagsak ko na lang 'yong test. "Kapag 'di mo sineryoso 'yong test. Hindi ka na makakapagnakaw." Biglang umalingawngaw ang boses ni Tita sa tenga ko. Anak ng! Kw*nina talaga ni Tita. Pati ba naman sa Manila abot 'yong bunganga niya? Dumiretso na lang ako sa building na nakasulat dito sa papel. Nakita ko naman agad kasi may number 'yong bawat poste ng building. Tsaka pagpasok mo pa lang kita mo na agad. May malaking fountain pa sa gitna. Napakayayamanin naman. 'Di ata ako bagay dito. Siguro kagandahan ko puwede pa pero 'yong utak ko parang hindi. Puro ata matatalino rito. Hinanap ko 'yong pangalan ko sa dalawang room. Nasa Room 1 'yong pangalan ko kaya do'n ako pumasok. Pinili ko 'yong pinakalikod na upuan, para 'di kita na nangongopya ako. Char! Halos mapuno na kami nang pumasok 'yong magpapatest sa ‘min. "Let's start," sabi niya sabay bigay ng test papers sa unahan, "Pass it backwards." Nang matanggap ko 'yong test paper ko, isang minuto ko muna itong tiningnan. Basic. Basic hulaan. After many hours to the max, natapos din ang paghihirap! Nag-stretch pa ako paglabas ko ng room. Awit ng mga katabi ko, cover na cover 'yong mga test paper nila. Hindi tuloy ako nakakopya. Panigurado bagsak na ako nito. Sana'y mapatawad ako ni Rizal dahil hindi ako kasama sa pag-asa ng bayan. Kung sinabi niya na “Magnanakaw ang pagasa ng bayan!”, eh ‘di sana nagkaroon ako ng gana sa pag-aaral. Kung tungkol sa nakawan ang topic, active ako d'yan! Sumakay ako ng bus pabalik sa 'min. Ngayon ko lang na-realize. Paano kaya kung makapasa ako? Eh ‘di ibig sabihin araw-araw ako magba-bus. Ang gastos naman ata no'n. Yawa! Pero alam ko naman na 'di ako papasa kaya no worries. "Tannie how's the test?" tanong agad ni Kuya Karl nang makapasok ako sa ukayan kuno ni Tita. "Manahimik ka nga. 'Di ka foreigner. Asan si Kuya Kyle?" pag-iiba ko ng topic. Ayoko nang pag-usapan 'yang test test na ‘yan. Nakakaobob. "Nagnanakaw," sagot ni Kuya Karl. "Psh. Wala naman mananakaw 'yo— Aw!" Anak ng! Sinong sira ulo ang nambatok sa 'kin? Nilingon ko 'yong nasa likod ko. "Kw*nina mo Kuya Kyle!" singhal ko. "May nanakaw ako FYI! Masyado mo ata akong minamaliit bata," sabi niya sabay lapag ng ninakaw niya sa lamesa. Eyy, napakakonti. "Bahay lang ako," paalam ko sa dalawa. Kailangan kong ipahinga ang aking utak. "'Di ka magnanakaw?" tanong ni Kuya Kyle. "Pahinga muna!" pasigaw kong sagot bago lumabas. Matutulog na lang ako magdamag. Hintayin ko result bukas. Sana 'di ako pumasa, para tuloy ang nakaw! >>>>> "TANNIE! Tiffannie De Guzman! Gumising ka na! Dalian mo! T*ngina ka!" rinig kong sigaw ni Kuya Karl. Taeng 'yan. Kay-aga-aga minumura ako. Ang ingay pa ng kalabog sa pintuan. "Kw*nina mo! Gising na ugok!" sigaw ko rin habang dahan-dahang bumabangon. Binuksan ko 'yong pintuan at bumuluga sa 'kin ang mga baliw, char, 'yong dalawa kong pinsan at si Tita. "Ano na namang kat*rant*duhan ang ginagawa niyo?" bungad ko sa kanila. "Ay, Ma. Ang harsh niya oh!" sabi ni Kuya Karl na tinuturo pa ako. Paki ko sa 'yo? Ay attitude ko. "Nakapasa ka?" tanong ni Tita na hindi pinansin ang tukmol niyang anak. "Wala pa namang text, Tita. Baka mama—" Napatigil ako nang tumunog 'yong phone ko. Oh, binili ko 'yan! 'Di ko ninakaw, pero 'yong perang pinambili ko galing sa nakaw. Hehehe! Mura lang naman, mga 3k+ ganun. Gawang Pilipinas kasi 'tong phone ko, Myph0n3 Myxy1 plus with 3GB RAM and 32GB ROM at may fingerprint scanner pa tsaka— teka nga! Bakit parang ini-endorse ko 'yong phone ko? Myph0n3 baka naman, tinutulungan ko na kayong umasenso. Lol. Tiningnan ko 'yong phone ko. May message. Inopen ko 'yong message at agad na binasa. "Kw*nina!" mura ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD