BAGO gamutin ni Aryanda ang sugatang kamay ni Zachary ay winalisan niya ang mga bubog na nagkalat sa sahig. Inayos niya ang mga bote sa lagayang case at saka binalikan si Zachary na mahimbing na natutulog dahil sa kalasingan. Wala siyang naging balita rito na kahit ano. Hindi niya rin alam kung ano ang nangyari matapos ang kasal nito. Sa loob ng dalawang taon ay wala siyang narinig na balita tungkol dito. Ang tanging alam lamang niya ay umalis ito ng bansa kasama ni Caroline. Bukod doon ay wala na siyang ibang alam. May nakita siyang first aid kit sa itaas ng cabinet. Mukhang ang imbakan na ito ang ginawang opisina ng binata dahil may lamesa roon at office chair. Bumaba siya at umupo sa tabi nito. Hindi niya alam kung bakit siya nandito sa tabi ng binatang nagpahirap nang husto sa kaloob