MASAYA si Bernard sa nangyayari ngayon sa kaniyang kapatid at kay Guiller. Matagal na niyang nakikita ang kapatid niyang malungkot. Tumatawa ito ngunit hindi nakakaabot sa mga mata nito. Alam niya na si Zachary pa rin ang nasa puso ni Aryanda. Iba ang saya ni Aryanda kapag si Zachary ang kasama nito tulad noon. Sana ay mapag-aralan nitong mahalin si Guiller dahil botong-boto siya rito. Wala siyang maipintas sa ugali ni Guiller. Mabait, mapagmahal na anak, isang responsableng magulang. Magiging masaya si Aryanda sa piling ni Guiller. At hindi sa impyernong buhay nito kay Zachary noon. Hanggang ngayon ay galit na galit pa rin siya sa dati niyang amo. Pero nagtataka siya dahil hindi na ito nagparamdam ulit. Itinuring niyang kapatid si Zachary. At kahit na galit na galit pa rin siya rito ay