ISANG linggo ang mabilis na lumipas mula nang maikasal ang kaniyang kapatid na si Bernard at malaman nilang buntis na si Arci. Hindi pa rin makapaniwala si Aryanda na nakaharap siya ngayon sa salamin. Nakatayo sa kaniyang tabi ang kaniyang kapatid at ang dalawang make up artist. Pinili ni Zachary na magpakasal sila sa isang lugar sa Bamban Tarlac. Sa Goshen Hotel and Resort na European Style ang wedding at reception area ng kanilang kasal. Naka-reserved iyon para lamang sa araw ng kanilang kasal. At ang honeymoon place nila ay sa Isla Tala sa Batangas. Planado ang lahat ayon sa kagustuhan ni Zachary. Umiiyak ang kaniyang Kuya Bernard habang nakatingin sa kaniya. Emosyonal ito sa pag-iisang dibdib nila ni Zachary. Alam niyang masayang-masaya ito sa naging desisyon niya na piliin ang tunay