HINIHINTAY ni Guiller si Aryanda sa tabing dagat. Nakabalik na raw ito sa Isla Margarita, papalubog na ang araw at malakas ang hampas ng tubig sa buhangin. Nakapamulsa ang kaniyang mga kamay habang nakatingin sa papalubog na araw. Kailangan niyang makausap si Aryanda hindi para hilingin na manatili ito sa kaniyang tabi at pilitin ang dalaga na siya ang mahalin nito. Kailangan niya itong palayain para hindi na ito masaktan. "Gu-Guiller," mahinang tawag sa kaniya ni Aryanda habang nakatayo ito isang metro ang pagitan nila sa isa't isa. Pilit siyang ngumiti sa dalaga na nakatitig sa kaniya. Bumuga siya nang malalim at ibinalik ang tingin sa paglubog ng araw. "Nakabalik na na pala?" malamig niyang tanong dito. "So-sorry kung pinaghintay kita." "Noong isang araw pa kita hinihintay, Aryand