NAKATINGIN si Zachary sa tulog na tulog na dalaga sa kama. Habang nagluluto siya ng almusal nilang dalawa. Napailing siya sa kaniyang ginagawa. Pangalawang beses pa lamang niya itong ipinagluluto. At palagi na niya itong gagawin para sa dalaga. Nasa kabilang linya si Jojo na naghihintay ng kaniyang sasabihin. "Sir, nariyan ka pa ba?" tanong nito habang nakaipit sa kaniyang tenga at balikat ang cellphone niya. "Yes. Iyong ipinapagawa ko tungkol sa mga anak ni Manang Mildred?" tanong niya rito. "Okay na, sir. Pupunta ako mamaya sa Isla Margarita para ayusin ang kasal ng bunsong anak ni Manang Mildred. Sinabihan ko na rin ang mga anak niya na pumunta sa Isla Margarita para sa pagdaraos ng kasal. Nailipat na rin ng attorney mo sir, ang titulo ng bahay na binili mo sa Paraiso para sa mag-as