JACOB'S POV Hindi na maipinta ang mukha ko habang nakatingin ako kay Brix at Trixie. Wala ng ginawa kung hindi ang maghalikan sa harapan naming dalawa ni Celestina. Naiinis ako dahil kami ang nahihiya ni Celestina. "Brix, umuwi na nga kayo at doon n'yo ituloy 'yan ang sakit n'yo sa mata." Sabay said ko ng alak. Pasimple kong tiningnan si Celestina. Nakayuko siya at namumula ang mga mata. Sa itsura niya ay lasing na siya kahit na nga ay konti pa lang ang ininom niyang alak. "Dude, 'wag mo kaming pansinin ng baby love ko." Muli niyang hinalikan si Trixie. "Ang sweet talaga ng baby love ko." Ang tamis ng ngiti ni Trixie. "Celestina, 'wag mo silang pansinin." Tipid na ngumiti si Celestina at ipinagpatuloy ang iniinom na alak. "Yes, Sir." Tumayo si Celestina para pumunta sa banyo. Sinu