BRIX'S POV: "Tulog pa ba si Jacob?" tanong ko kay tita Lourdes. Nasa sala kaming tatlo kasama si Timothy. Pinapunta ko si Timothy para pag-usapan ang tungkol kay Jacob. "Yeah, he's still asleep," sagot ni tita. Kinuha ang mainit na kape upang inumin ito. Kapag kaharap namin si tita ay hindi kami puwedeng manigarilyo dahil inuubo siya. "Gunggong, ano bang kailangan mo bakit mo ako pinapunta rito? Ang daming kong trabaho na dapat gawin." Inis na sabi ni Timothy. "Huwag kang mainit unggoy, importante ang pag-uusapan natin." Nagsalubong ang kilay niya. "What did you say?" "Nagsisimula na naman kayong dalawa," sabad ni tita. Binunton na lang niya ang inis sa kape na nasa harapan niya. "Pag-uusapan natin kung talagang si Laura si Celestina." "Kung talagang iisa si Celestina at Laura.