"Maawa ka sa akin!" Pakiusap ko sa isang babae habang may hawak na baril. May tali ang kamay ko habang tumutulo ang dugo ko sa noo dahil hinampas ako ng baril. Makirot ito ngunit mas nanaig ang takot ko dahil balak nila akong patayin. May magkasintahan na bigla na lang akong dinukot at pagkatapos ay sinaktan nila ako hanggang sa mawalan ako ng malay. Nang magising ako ay nakagapos na ako. Imbis na maawa sa akin ang babae ay humalakhak pa ito na parang demonyo. "Bakit naman ako maawa sa iyo, Laura! Alam mo bang matagal na kitang gustong patayin!" "Nagkakamali ka hindi ako si Laura. Hindi ako ang babae na sinasabi mo." Muli niyang hinampas sa akin ang baril. "Ginagawa mo ba akong tanga! Ikaw si Laura at katapusan mo!" Tinutok niya sa akin ang baril. Pumikit ako upang hindi ko makita k