CHAPTER 10

2136 Words
"Thank you for calling, have a nice day!" Iyon ang huling sinabi ko sa huling customer ko na tumawag sa akin. Pagkatapos ay ininom ko ang kape na nasa thermo mug ko. Mainit pa ito kaya masarap inumin. "Hays! Konting oras na lang at matatapos na ang duty ko," bulong ko. Dalawang buwan na ang lumipas nang ilipat ako sa ibang site ng bpo company na pinasukan ko. Nakalipat na rin ako ng apartment na malapit sa pinapasukan kong trabaho. Mas lalo pa akong naging masaya nang mapadalhan ko ng pera ang magulang ko sa mga naging sahod. Ang sarap talaga sa pakiramdam na tinutulungan ang pamilya. "Celestina!"tawag sa akin ng team leader ko. Tulad ng dati ay nakasimangot na naman siya kapag ako ang tinatawag. Ramdam kong hindi ako gusto ng team leader ko dahil bukod tanging ako lang ang may schedule na paiba-iba. Iyon na rin ang nagtulak sa akin kaya ako nagdesisyon umalis sa apartment ni tito Ben. Gayunpaman, hindi ako nagreklamo o nagalit sa kanila. Iniisip ko na lang na sinusubukan nila ako. Matamis akong ngumiti. "Yes, TL?" "Halika rito may ibibigay ako sa iyo." Tumayo ako at lumapit sa kanya. "Ano iyon TL?" "Oh, pirmahan mo ito." Sabay abot niya sa akin ng isang papel. Nang basahin ko ang nakasulat ay bigla akong nanlumo. Early end of contract kasi ang nakasulat sa papel. Lumunok ako para pigilan kong 'wag umiyak. "TL, anong nagawa kong mali bakit ako early endo?" Tinaasan niya ako ng kilay. "Bakit mo sa akin tinatanong? Itanong mo sa Hr or sa visor natin." Tumango ako. "Itatanong ko na lang po kay Ma'am Penelope." Tumalikod ako sa kanya at muli akong bumalik sa puwesto ko. Kinuha ko ang kape at muli ko itong ininom. Gusto nang tumulo ang luha ko pero pinipigilan ko lang. Hindi pa kasi tapos ang oras ng trabaho ko. "Kaya mo 'yan!" bulong ko. Kahit mabigat ang loob ko ay ginawa ko pa rin ng maayos ang trabaho hanggang matapos ang oras ko. Agad akong dumiresto sa opisina ng super visor ko. Nanginginig ang kamay ko nang kumatok ako sa pinto pagkatapos at binuksan ko ito. "Good morning, Ma'am Penelope." "Morning," walang ka gana-gana niyang sagot. Umupo ako sa harap ng table niya. "Ma'am, Nakatanggap ako ng early end contract. Can you please explain to me why?" "Celestina, unfortunately, due to the current situation of the company, we had to make some difficult decisions, and one of those was to end the contract of some employees." "But, ma'am, my performance has always been good, and I have been loyal to the company. Why did I get fired?" Huminga ng siya ng malalim. "I understand your concerns, Celestina, and please know that this decision was not based on your performance. We had to cut costs, and unfortunately, your position was one of the ones that were affected." Tumango ako. "I see. Is there any possibility of rejoining the company in the future?" "We cannot guarantee anything, but we will keep your profile in our database, and if there are any openings in the future, we will definitely consider you." Pilit akong ngumiti. "Thank you, ma'am. I appreciate your honesty and transparency in explaining the situation." "You're welcome, Celestina. I understand that this is not an easy time for you, but please know that we value your contribution to the company and wish you all the best in your future endeavors." "Thank you." Tumayo ako at lumabas na ng opisina niya. "Hays! Hindi pa nga ako nakakaipon ng malaking pera wala na agad akong trabaho." Wala akong nagawa kung hindi alisin lahat ang mga laman ng locker ko dahil ito na ang huling araw ko sa trabaho. "Oh, bakit mo inaalis ang mga gamit mo sa locket mo?" tanong ni Jesica. Pilit akong ngumiti sa kanya. "Last day ko na ngayon." "Ano?!" Pinakita ko sa kanya ang copy ng early end contract ko. "Paano ba 'yan hindi na tayo magiging magkatrabaho." Sumimangot si Jesica. "Ang ganda ng performance mo sa mga customer bakit ka tinanggal nila? Napaka-unfair naman nila." "Wala na tayong magagawa tanggapin na lang. Maghahanap na lang ulit ako ng bagong trabaho." "Alam mo pinag-initan ka naman ng mga 'yan kaya ikaw ang tinanggal nila. Hays! Ang hirap talagang maging maganda pinag-iinitan ng mga pangit." Inis na sabi ni Jesica. "SShh! Baka may makarinig sa iyo." "Kahit marinig pa nila wala akong pakialam. Totoo naman ang sinabi ko insecure sila sa iyo dahil kahit anong lagay nila sa mukha nila hindi pa rin mapapantay ang ganda mo. Lalo na ang team leader mo na si Marie? Abah! Kasya na ang holen sa butas ng ilong niya. Dapat yung headphone sa ilong niya nilalagay hindi sa tenga." "Kahit magalit ako hindi na magbabago ang desisyon nila. Magpakabait ka dito para hindi ka nila pag-initan." "Mag-resign na rin ako para sabay tayong maghanap sa iba. Hindi nababagay ang ganda natin sa kanila." "Huwag kang mag-resign baka magalit sa iyo ang asawa mo." "Anong magagalit baka nga mapag-lechon pa siya kapag nalaman niyang nag-resign ako. Gusto niyang 'wag na akong magtrabaho. Gumawa na lang daw kami ng baby." "Sabagay army naman ang asawa mo." "Kahit malaki ang sahod niya ayoko pa rin tumigil sa pagtatrabaho dahil gusto ko may sarili akong pera. Ang sarap sa feeling na nabibili ko ang gusto ko ng hindi humihingi sa asawa ko. Anyway, sasabayan kita sa pag-alis dito. Hintayin mo lang ako ng one week." Ngumiti ako. "Thank you." "Let's go! Pumunta tayo ng mall para naman mawala ang lungkot mo at ililibre kita ngayon." "May pasok ka 'di ba?" "Hindi ko na kailangan maging mabait dahil mag-resign na rin ako." Hinila niya ang kamay ko saka umalis. Mabuti na lang talaga at naging kaibigan ko si Jesica. Kahit papaano ay gumagaan ang bigat na nararamdaman ko dahil handa siyang makinig sa akin at ipagtanggol ako. Hindi na nga siya pumasok sa halip ay pumunta kami ng mall. Nilibre niya ako sa sinehan at nag-bolling din kami at kumain. Daig pa namin ang mag-syota habang namamasyal. Pansamantala ko tuloy nakalimutan ang lungkot na nararamdaman ko. "Hays! Siguro pag-uwi mo ng boarding house mo ay bagsak ka na sa higaan." Natatawang sabi ni Jesica. Halos twenty-six hours na akong gising ngayon dahil alas-dos ng madaling araw ako pumasok at ngayon ay alas-sais na ng gabi. Humikab ako. "Oo, pagod na ang katawan ko." Tinapik niya ang balikat ko. "Oh, basta hintayin mo ako at sabay tayong mag-a-apply. Bukas na bukas ay magpapasa na ako ng resignation letter." "Okay, salamat sa libre." "Walang anuman." Hinintay niya akong makasakay ng jeep dahil siya ay susunduin ng asawa niya. Isang oras din ang naging biyahe ko bago ako makauwi ng boarding house ko. Nagpahinga lang ako sandali pagkatapos ay naghalf bath bago nakatulog. "Nasaan ako?" Inikot ko ang paningin ko at nakita kong naglalakad ako sa malawak na bakuran na parang isang hacienda. Sa bawat gilid ay mga puno at bulaklak. "Ma'am Laura!" Tumingala ako nang marinig kong may tumatawag. Nakita ko ang isang security guard na nakangiti sa akin habang sumasaludo sa akin. Saka ko lang napansin na nasa harap na ako ng guard house. "Pasok na po kayo hinihintay na po kayo sa loob." Kumunot ang noo ko. "Sino?" Hindi siya sumagot dahil may bumisina na kotse kaya ito ang binigyan niya ng pansin. Nagpatuloy naman ako sa paglalakad habang in-enjoy kong pagmasdan ang mga halaman sa dinadaanan ko. Sa haba ng nilakad ko ay nakita ko na rin ang malaking bahay sa unanahan. Lumapit ako at pinagmasdan ko ito. "Parang pamilyar sa akin ang lugar na ito." Pumasok ako sa loob upang alamin kung anong nasa loob. Pagtungtong pa lang ng paa ko ay nakita ko si tito Ben. Nakasuot siya ng puting long sleeve polo at yumuko siya nang makita ako. "Welcome home, Madam." "Tito Ben, bakit kayo nandito?" Hindi ako pinakinggan ni tito Ben sa halip ay pinasunod niya ako sa pupuntahan niya. Kampante naman akong sumunod sa kanya dahil alam kong hindi niya ako pababayaan. Hindi ko na mabilang kung ilang pinto ang pinasukan namin. Nang makarating kami sa isang silid ay nakita namin ang lalaking nakahiga sa kama. May oxygen nakalagay sa kanya. "Tito Ben, sino ang lalaki na 'yon?" Hindi siya kumibo kaya nilapitan ko ang lalaking nakahiga. "Siya 'yon." Ang bilis ng kabog ng dibdib ko habang nakatingin ako sa lalaki. "Madam, pirmahan n'yo na po ito." "Ano ito?" Binasa ko ito at nakita ko na wedding certificate ay may pirma ng groom. "Sino ang groom?" tanong ko. "Siya po Madam. Si Master Jacob." Muli akong tumingin sa lalaking nakahiga. Kung hindi ako nagkakamali siya rin ang groom doon sa simbahan. "Jacob… Nagising ako nang marinig ko ang tunog ng alarm ko. Nang makita ako ang oras ay alas-dose na ng madaling araw. Ito ang oras ng gising ko kung may pasok ako pero dahil wala na akong trabaho kaya hindi ko na kailangan bumangon para mag-asikaso. "Muli kong inalala ang panaginip ko ngunit tulad ng dati, kapag nagigising ako ay nakakalimutan ko na ang pangalan ng lalaki at ang itsura nito. "Makatulog nga ulit baka sakaling matandaan ko." Bago ako natulog ay inalis ko ang alarm ko para hindi ako magising sa tunog. Nang magising ako nang alas-otso ng umaga ay naglinis muna ako ng bahay at pagkatapos ay tumawag ako sa magulang ko para kumustahin sila. Nang mga nagdaang araw ay hindi ko sila nagawang tawagan dahil sa sobrang pagod ko sa trabaho ay diretso tulog na ako. "Nay, Tay, kumusta na kayo?" sabi ko. "Okay lang kami," sagot ni Nanay. Ngunit bigla akong nakarinig ng tunog ng receptionist at narinig kong may tinatawag itong doktor. "Bakit kayo nasa hospital?" "Wala ito, anak," wika ni nanay. Huminga ako ng malalim. "Nay, 'wag na kayong magsinungaling. Lalo akong mag-aalala kung hindi n'yo sasabihin sa akin ang totoo." Huminga ng malalim si Nanay. "Pasensya ka na anak pero ayaw sanang ipaalam sa iyo ng tatay mo na nasa hospital siya." Kinabahan ako. "Bakit anong nangyari sa kanya?" "May ligaw na bala na tumama sa kanya." "Ano? Kumusta na si tatay?" "Anak, umuwi ka muna dito at tulungan mo ako sa pagbabantay sa tatay mo. Kailangan kong magtinda para may pambayad tayo ng ospital sa tatay mo." "Oo, uuwi ako agad ngayon." Sabay putol ko ng tawag. Kumuha ako ng ilang damit at ang perang naipon ko. Dinala ko rin ang gift check na binigay sa akin ng babae dahil puwede siyang gamitin sa piling drugs store. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko habang papunta ako sa terminal ng bus na papunta sa amin. Kaya naman nang makaabot ako sa bus na mapupuno na ay laking pasasalamat ko. Sinuot ko ang shade ni Nanay, pagkatapos ay tumulo na ang luha ko sa labis na pag-alala. Wala akong pakialam kung anong isipin ng katabi ko bus. "Broken hearted ka ba?" Nilingon ko ang katabi kong nagsalita. "Ikaw na naman?" tanong ko. "Ang daming puwede kong katabi bakit ikaw pa?" sagot ng lalaki. Hindi ako sumagot sa sinabi niya dahil biglang tumawag si Nanay. "Anak, kailangan natin ng pera pambili ng gamot ng tatay mo at pambayad sa ospital." "Huwag po kayong mag-alala gagawa akong paraan. Pabalik na ako sa diyan sa bayan natin." "Mag-iingat ka anak." "Kayo din ni tatay." Sabay putol ko ng tawag. Tuluyan na akong umiyak. Siguradong nasa private hospital si tatay dahil kulang ang mga gamit sa public hospital sa amin. "Here." Sabay abot niya sa akin ng panyo. Kinuha ko naman 'yon at pinunasan ko ang luha ko ngunit hindi ko inalis ang salamin ko. "M-May alam ka ba na bumibili ng kidney?" tanong ko sa lalaki. Kahit nakasuot siya ng salamin alam kong gulat na gulat siya sa sinabi ko. "Anong gagawin mo sa pera, ipambibili mo ng iphone 14 pro max?" "Kailangan ko ng pera dahil nasa hospital ang tatay ko." "Mabuti at pinayagan kang umuwi ng boss mo?" Tumawa ako. "Tinanggal nila ako kahit maayos naman ang trabaho ko. Hindi ko alam kung bakit nila ako pinag-iinitan wala naman akong ginagawang masama sa kanila." Muli akong umiyak. Parang ngayon ko lang nailabas ang bigat na nararamdaman ko. "Sshh!"Huwag kang umiyak. "I'm sorry, sobrang bigat na kasi." Huminga ng malalim ang lalaki. Pagkatapos ay may kinuha sa loob ng bag. "Oh, sana makatulong sa iyo." Sabay abot niya sa akin ng cheke. "Fifty thousand pesos ang nakalagay sa cheke. "Totoo ba ito, hindi ba tatalbog?" "Psh! Tinulungan ka na nga ikaw pa itong may trust issue." "Salamat sa tulong mo." "You're welcome, 'wag ka ng umiyak dahil gusto kong matulog habang nasa biyahe." Tumango ako at saka ipinikit ko ang mga mata ko. Sana hindi tumalbog ang cheke niya. Sana hindi niya ako niloloko dahil kailangan ko talaga ng pera.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD