BILLIE NAGISING ako sa hindi pamilyar na silid. Bumungad sa akin ang puting kisame. Napabalikwas ako ng tayo nang maalala ko ang mga nangyari bago ako tuluyang nawalan ng malay. Abot-abot ang aking kaba habang iginagala ang aking paningin sa kabuuan ng silid sa pag-aakalang nasundan ako ni John. "Miss, are you okay?" maagap na tanong ng isang banyagang lalaki sa akin. "Don't touch me!" malakas kong sigaw habang pilit na pinalis ang kanyang kamay na nakahawak sa akin. "Where am I?" naguguluhang tanong ko. "Miss, you're in a clinic here on the island. One of the staff found lying unconscious on the sand," paliwanag nito. Sandali akong natigilan upang alalahanin ang nangyari bago ako nawalan ng malay. Sa pagkakatanda ko ay may naaninag nga akong tao na papalapit sa akin noon bago ako nah