BILLIE HINDI naging madali ang halos labing walong oras na biyahe namin mula sa airport ng Maldives pabalik ng Pilipinas. Alam ko ring napupuno na si Damian dahil sa pagiging malamig ko sa kanya, hindi lamang ito nagsasalita. Kasalukuyan kaming nasa labas ng airport at hinihintay ang sasakyang magsusundo sa amin. Hindi naman bumitaw si Hera kay Damian simula nang magising ito. Magkahalong inis at awa ang nararamdaman ko para sa kanya. But I'm no saint. Alam kong may pinagdadaanan siya but what I am going through is no lesser than hers. Hindi ko obligasyong intindihan siya. She's not my friend. Ilang minuto pa ang nakalipas ay dumating na ang sasakyang magsusundo sa amin. Mabilis na bumaba ang driver mula as driver seat at saka umikot sa aming gawi. "Good afternoon, Mr. Mavros," bati