Chapter 68

2720 Words

WARNING-MATURE CONTENT BILLIE HALOS hapon na nang makarating kami sa bahay ni Damian. Bahagya pa akong natigilan nang patayin ni Damian ang makina ng sasakyan. Kanina na lamang ay buong-buo na ang loob ko sa aking naging desisyon. Hindi ko alam kung bakit bigla na lamang akong nilukob ng kaba. Marahil dulot ito ng mga iilang tanong na hindi nasagot ni Damian. Bagama't nagtapat na ng pag-ibig si Damian sa akin at umamin na ako talaga ang mahal niya at hindi si Hera. Hindi pa rin noon nasagot ang tanong ko kung nasaan na ito ngayon. Kailangan ko pa rin bang makisama rito habang nasa bahay ni Damian? Alam kong ako ang mahal ni Damian. Pero kilala ko si Damian, hinding-hindi niya itatapon na lamang ng gano'n si Hera lalo na't malalim din ang kanilang pinagsamahan. "We're here," anunsyo ni

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD