Chapter 67

1996 Words

BILLIE KAY bilis ng mga pangyayari. Hindi ko na nagawa pang pag-isipan ng mabuti ang tanong ni Damian. Punong-puno ng kaligayahan ang aking puso na wala na iyong puwang para sa mga hindi kanais-nais na bagay na panaka-nakang pumapasok sa aking isip. Sa ngayon, ang tanging mahalaga sa akin ay ang maging maligaya sa piling ni Damian. Handa na akong harapin ang kahit anong balangid ang aming susuungin. Basta kasama ko siya ay wala akong hindi kayang lampasan. Tila lumulutang pa rin ang aking isip. Natagpuan ko na lamang ang aking sarili sa harap ng aking ama na tahimik lamang na nakamasid sa akin. Mariin itong nakatitig sa magkasugpong naming mga kamay ni Damian. Matapos kong sumang-ayon sa alok na kasal ni Damian ay dumiretso kaming muli sa bahay upang ipaalam iyon kay Papa. Kung ako lama

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD