PART 13

1554 Words
Pinamaywangan ni Yolly si Andy. "Ano na naman? Anong magulong lugar na sinasabi mo?" "Basta samahan mo na lang ako. Gusto kong magwala. Parang sasabog ako, eh. Baka makapatay ako ng tao nito." "Kumalma ka nga." "Tara na kasi?" "Hindi ako puwede." "Bakit naman? I thought we were already friends?" Kamot-ulo si Yolly. Kinokonsensya pa talaga siya, ay naku. "Anak, bakit hindi mo papasukin ang bisita mo?" Ang nanay niya. "Tama. Mabuti pa ay pumasok ka muna." Yumukod si Andy kay Aling Yolanda. "Magandang hapon po." "Magandang hapon naman. Sige na doon na kayo ni Yolly mag-usap sa loob. Ang init dito sa labas, oh.” Tiningnan siya ni Andy. "Tara sa loob," kaya alok niya ulit dito. "Huwag na. Aalis na tayo," ngunit ay bulong sa kanya nito. Napakagat-labi siya na tumingin sa nanay niya. Doon niya napansin na bihis ito. "Nay, may pupuntahan ka?" "Ay, oo." Nagpupulbo ang ginang. "Kaya ikaw muna ang bahala rito sa bahay. Baka madaling araw na akong makauwi. Huwag kang aalis ng bahay, ha?" Sinulyapan niya si Andy. Lumabi siya rito. Nagkibit-balikat naman ang huli. "Saan ka ba pupunta, 'Nay?" "Kina Tita Salve mo. Tutulungan ko sila sa pagpe-prepare ng handa bukas ng anak niya." "Ah, para sa birthday po ni Farah?" "Oo. Siya, sige na. Aalis na ako." Hinalikan siya ng ina sa pisngi saka binalingan nito ang binatang bisita. "Pasensiya ka na, iho. Feel at home na lang, ha?" "S-sige po. Salamat po." Pilit na pilit ang ngiti ni Andy kay Aling Yolanda. "Pano 'yan? Hindi talaga ako puwede?" sabi rito ni Yolly nang wala na ang nanay niya. Napahalukipkip si Andy. Parang nag-isip ito. "Halika nga." Wala na siyang choice kundi ang hilahin ito papasok sa loob ng bahay. Ang arte, eh! At katulad ng bagong bisita ay naging malikot ang mga mata ni Anyd sa pagtingin-tingin sa loob ng bahay nila. "Pasensya ka na sa bahay namin. Maliit lang," kiming aniya. "Umupo ka muna. Pag-usapan na lang natin ang problema mo. Ano bang nangyari pag-uwi mo?" saka sabi rito. Umupo siya sa mahabang sofa nila at itinuro naman niya ang pang-isahang sofa sa binata. Pabagsak na umupo roon si Andy. "Wala ba kayong kahit anong wine?" "Wine talaga? Ano kami mayaman?" "Kahit beer? Wala?" "Wala po. Kasi dalawang babae lang naman kami ni Nanay ko rito sa bahay." Tumayo si Andy. "Bili na lang ako." "Umayos ka nga!" Hinila niya ito sa damit. "Alalahanin mo kagagaling lang natin sa simbahan kanina." Animo'y pagod na pagod na napasandal si Andy sa upuan. Gusto nito talagang maglasing. "Ano ba kasing nangyari?" amo niya rito. "Nothing." "Eh, bakit ganyan ka?" Hindi nasagot iyon ni Andy dahil may biglang bumagsak na bagay sa likuran nila. Gulat na gulat silang dalawa. Nang lingunin nila ay si Cristine pala, at mga notebook ng dalaga ang bumagsak sa sahig. Biglang napatayo si Yolly nang makita niya ang pinsan. Lagot! "Insan, anong ginagawa mo rito?" "I-isasauli ko lang sana 'tong mga ano mo… mga notebook mo," utal-utal na sagot sa kanya ni Cristine, kay Andy ang tingin nito. Hindi ito makapaniwala na nakikita na magkasama sina Yolly at ang guwapong si Andy. "Oh, my god! Si Andy ba talaga siya?" "Hi, Cristine," kaswal na bati na rito ni Andy. Parang hihimatayin na si Cristine. Buti na lang at nalapitan agad ito ni Yolly. Nakakapit ang isa nitong kamay sa isang braso ni Yolly. "Hindi ito totoo!" sabi pa ni Cristine. "Umayos ka nga," saway na ni Yolly sa OA na pinsan. Itinulak niya ang noo nito at inismiran. "Ano kasi ginagawa niya rito? Si Andy talaga siya? As in si Andy Pagdatu?" dilat na dilat ang mga matang bulong ni Cristine sa kanya. Ayaw talaga maniwala ang gaga. "Oo, at may problema kasi kaya naghahanap ng makakausap." "Eh, bakit sa 'yo pa?" "Malay ko sa taong 'yan." "Oh, em, geh!" Naglipat-lipat ng tingin ni Cristine sa kanila ni Andy. Hindi pa rin makapaniwala sa nakikita. Dikawasa'y bigla nitong kinuha ang cellphone sa bulsa nito. "Mai-f*******: na ito!" Biglang bilog naman ang mga mata nina Yolly at Andy. At halos sabay silang tarantang hinablot ang cellphone na iyon ni Cristine. Napamaang ang dalaga. "Please, Cristine, let's keep this as a secret. Hindi mo na kailangang i-post," ani Andy. Ibinulsa nito ang cellphone na nakuha. "Oo nga, insan. Friends lang kami kaya hindi mo na dapat ipagkalat pa. Tsismosa ka talaga!" angil naman ni Yolly sa pinsan. "Pero kasi..." "Ang mabuti pa ay friends na rin tayo, Cristine? Is it okay with you?" Lalong parang naestatuwa si Cristine sa kinatatayuan nang akbayan ito ni Andy. Tuluyan nang hindi nakaimik. Kesye nemen, eh, eng bengo-bengo ni Andy. "Oo tama. Magkakaibigan na tayong tatlo," ayuda ni Yolly. "Yolly, bili ka ng alak. Mag-celebrate tayo kasi tatlo na tayong magkakaibigan," pero bigla ay utos ni Andy sa kanya. Hindi pa rin nakalimutan ang alak. "Alak talaga?" Napangiwi si Yolly. Pero gets naman niya si Andy kung bakit ito nagpapabili ng alak. Dapat nilang amuin si Cristine para hindi ito magiging madaldal. "Sige na." Labag man sa kalooban ni Yolly ay bumili na nga siya. Hindi bale at uumagahin naman ang nanay niya ng uwi. Siguro naman ay hindi sila maabutan at hindi naman sila malalasing. Sana lang. "Halika upo tayo." Inalalayan naman ni Andy si Cristine na umupo nang lumabas na si Yolly para bumili. "Talaga? Gagawin mo akong kaibigan?" Hindi pa rin makapaniwala si Cristine. "Oo naman. Parang si Yolly na best friend ko na ngayon." "Hindi nga? Kahit na mga pangit kami? At mas pangit siya?" Natawa si Andy. "Bakit bawal bang maging friends ko kayo?" "Pero kasi–" "Basta friends na rin tayo, okay? Hintayin natin si Yolly mag-celebrate tayo." "O-okay," nababatombalani na ani Cristine. MAKALIPAS ang maraming oras na masayang inuman nila at gabi na rin ay nakangunguy na sa lamesa si Cristine. Hindi na nito kinaya ang kalasingan. Habang sina Yolly at Andy ay patuloy pa rin sa pagkanta. Binuksan kasi nila ang DVD at TV at ginawa nilang videoke. "Hoooh!" sigaw ni Yolly habang bina-bounce ang ulo at hawak ang isang bote ng alak. Kinakanta kasi ni Andy ang LAKLAK kaya nagwa-wild sila. "Laklak ka nang laklak! Mukha ka nang parak!" birit talaga ni Andy sabay headbang, gawa ng kalasingan. At kahit hindi na magkatugma-tugma ang mga lyrics. "Hahahahaha!" malutong na tawa ni Yolly dahil napaluhod pa ang binata pagkatapos nitong kumanta. Napagod sa paglaklak. "Ikaw naman." Ibinigay ni Andy ang mic sa kanya. Nagsimula ang pyesa niya. Ang kinanta naman niya ang POWER OF LOVE kahit na hindi siya marunong kumanta. "With the power of looovveeee!" Halos mapaos siya maabot lang ang mataas na tono. Patawarin na lang siya ng mga kapitbahay nilang nakakarinig ng magandang boses niya. Lol! "Sige kaya mo 'yan!" kantyaw ni Andy sa kanya habang tumatawa rin. "Hoh, ang hirap!" sigaw niya na naka-mic sunod ang malutong na tawa. Nag-apiran silang dalawa ni Andy saka sabay na tumungga ulit sa bote ng alak. Ang dami na nilang nainom. Nagkalat na sa sahig ang mga bote ng alak. "Kanta pa?" ani Andy. "Ayoko na," sagot niya na napasandal ng ulo sa sofa. "Hindi ko na kaya." Nang biglang parang masusuka siya. "Ang hina niyo naman," kantyaw ni Andy sa kanila ni Cristine. Bagsak na talaga si Cristine kasi at mukhang susunod na si Yolly. Patuloy na tinatawanan ni Andy ang dalawang dalaga. Ang hihina talaga ng mga babaeng uminom, gayunman ay ang saya niya na nakasama sila. Kahit paano ay nakalimutan niya muna ang problema niya sa mommy at daddy niya. Ang saya-sayang kasama nina Yolly at Cristine. Ang katulad nila ang mga gusto niyang mga kaibigan. Walang kaarte-arte sa mga katawan. Hindi mga plastik. Kung sino sila ay iyon ang pinapakita nila. Tumayo si Yolly. Parang magsasayaw pa yata ngunit bigla itong natumba. "Oy!" Buti at kahit lasing siya ay nagawa pa rin niyang saluhin ang dalaga. Nga lang ay natumba pa rin sila. Siya ang umilalim kaya napangiwi siya dahil bumagsak sa sahig ang likod niya. "Lasing na kasi, eh, sasayaw pa," natatawang sermon niya sa pasaway na dalaga. Hanggang sa natigilan siya dahil napansin niyang ang lapit-lapit pala ng labi ni Yolly sa labi niya. At amoy na amoy niya ang natural na amoy ng dalaga. Matagal siyang napatitig sa mukha ni Yolly. Ang totoo ay matagal na niyang nakikita ang nakakubling kagandahan ni Yolly. Naalala nga niya noong enrollment. Habang nakapila siya noon ay hindi sinasadyang napatitig siya rito. In-imagine na siguro kung wala ang salamin ni Yolly ay kay ganda ni Yolly. Na kung hindi siguro buhaghag ang may bangs na buhok nito, na kung siguro maahit konti ang makapal na kilay nito, na kung malapatan sana ng kahit konting lipstick ang labi nito at maayusan ito ng damit ay siguro napakagandang babae malamang ni Yolly. Hindi lang maganda, kung hindi ay magandang-maganda. "Uhmm..." ungol ni Yolly. Kumilos ito. "Ang init naman," ta's nakapikit nitong sabi. "Oy, teka! Teka!" pigil niya rito dahil naghuhubad na ito ng T-shirt. "Ano ba?! Ang init nga, eh!" pero angal ni Yolly. "Pengeng aircooonnnn!" "Sh*t!" Wala siyang choice kundi ang madaling niyakap na lang ang dalaga upang wala siyang makita. Kinakabahan siya habang napapalunok. Naka-bra na lang si Yolly sa ibabaw niya. Ramdam na ramdam ng mga palad niya ang mainit na likod nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD