Napahawak sa kanyang ulo si Yolly. Naramdaman agad niya paggising niya na masakit ang kanyang ulo. Para ba'y mabibiyak.
"Ano bang nangyari? Ba't ang sakit ng ulo ko?" paungol niyang sabi sabay bangon.
Ngunit anong dilat ng kanyang mga mata nang maramdaman niyang may mabigat sa kanyang ibabaw. At bunbunan ng isang lalaki ang kanyang unang nasilayan.
May nakadagan sa kanya!
"Aaahhh!!" awtomatiko na malakas na sigaw niya kasabay nang buong lakas niyang pagtulak sa sinumang lalaki na iyon.
"Oy!" Biglang balikwas ng bangon ang lalaki na nakahiga sa kanyang ibabaw. Subalit hindi agad ito nakabangon dahil nagkatumba-tumba ito sa sobrang pagkataranta. Muntik pang nahulog ito sa kama.
"Eiiihhh!" tili ulit ni Yolly nang makitang wala sila parehas pang-itaas na saplot ng lalaki. Agad niyang itinakip sa kanyang hubad na katawan ang kanyang nakapang kumot.
Takang-taka na nagkatinginan sila ng lalaki. Lalaki na si Andy pala! Holy sh*t!
"A-andy?!" Hindi makapaniwalang bulalas niya. Tapos ay bumaba ang tingin niya sa pang-ibaba ng binata. Namilog ulit ang mga mata niya dahil naka-brief lang si Andy. Bukol na bukol ang nakatago roon.
"Woaahh!" Hanggang ulo na ang ginawa niyang pagtalukbong. Para ba'y tutuklawin siya ng ahas na nasa loob ng brief ni Andy anumang oras.
"F*ck!" Agad itinakip naman ni Andy ang dalawang kamay nito sa maumbok nitong kuwan.
"Anong ginawa mo?!" hestirya na ni Yolly.
"I... I don't know!" naguluhan ding sagot ni Andy. Nagulat din kasi siya nang makitang nasa isang silid sila, at hula niya ay silid ni Yolly ang kinaroroonan. Pero paanong nangyari? Ang natatandaan niya ay sa sala sila natulog. Bakit o paano sila napadpad doon?
"I hate you! I hate you!" Nang ibaba ni Yolly ang kumot ay pinagbabato niya ng mga unan si Andy. Umiiyak na siya.
"Teka! Teka lang, Yolly!" Umilag-ilag si Andy.
"Kinuha mo ang pagkab*b*e ko na hindi ka man lang nagpapaalam! You r*ped me! Pervert! Pervert!"
"R*pe talaga?" Napangiwi si Andy.
"Oo! Hayup ka! Ang sama mo! Akala ko ay mabait ka! Rapist ka pala! Rapist!"
"Teka lang, Yolly! Huminahon ka nga muna!" pilit na pagpapakalma ni Andy sa dalaga kasi wala talaga siyang maalala na may nangayari sa kanila. His last memory was that they had dozed off in the living room. Iyon lang talaga. Mamatay man.
"I hate you! Isusumbong kita kay Nanay!" Parang bata na nag-iiyak na si Yolly.
Bago ang lahat ay hinanap muna ng tingin ni Andy ang mga damit niya. Nakita niya ang mga iyon sa sahig. Agad niya iyong mga pinagdadampot at habang isinusuot ay kinakausap niya ang dalaga.
"Relax lang, Yolly. Mag-isip muna tayo kasi wala talaga akong maalala na nangyari sa atin."
'Yung picture frame ang dinampot ni Yolly at ibinato niya iyon sa binata. "At sinasabi mo ngayon na walang nangyari sa 'tin! Hinayupak ka!"
Buti na lang at naiwasan ulit iyon ni Andy kundi sira ang kaguwapohan niya. Phew!
Zeeniper niya ang pantalon at lumapit kay Yolly. Dinampot niya ang mga damit ng dalaga at inabot dito. "Magbihis ka muna."
Ragasa ang luha sa mga mata ni Yolly na kinuha at isinuot ang damit niya.
"Relax lang, ha? Huwag kang mag-isip muna ng kung ano-ano," ani Andy habang naghihintay na makabihis siya.
Pinukulan niya ng masamang tingin ang binata. Pero kinalma nga niya ang sarili.
"Ganito, Yolly, alalahanin muna natin kung anong nangyari sa 'tin kagabi bago tayo mag-isip ng masama."
Nag-isip nga silang dalawa. Dikawasa'y napailing si Yolly. "Ang natatandaan ko lang ay kumakanta ako ng Power of Love tapos na black out na ako."
"Yeah, iyon din ang huli kong natatandaan. Sinalo pa nga kita, eh, tapos natumba na tayo. Tapos ang alam ko ay natulog na rin ako."
Nagkatinginan sila nang matagal.
"So, walang nangyari sa 'tin?" saglit ay tanong ni Yolly na umaasa.
Napangiwi at napakamot-batok si Andy. "Siguro. Baka. I don't know.”
"Dapat sigurado kaaaa!" hestirikal na naman niya. Sinuntok-suntok niya ang braso ng binata.
"Wala nga akong matandaan, eh." Tiniis ni Andy ang mga suntok at palo ni Yolly. Ano ba kasi 'tong nangyaring 'to? Damn!
"Aisst!" Parang maluloka na si Yolly na napasabunot sa kanyang buhok nang mapagod lang siya sa pananakit kay Andy.
Muli silang natuliro at kinain ng katahimikan.
Hanggang sa may nagbukas ng pinto. Gulantang silang dalawa na napatingin doon. Parehas kumakabog ang kanilang mga dibdib.
"Uwi na ako, Yolly. Hindi ko na kaya," pero lasing pa yatang paalam lang pala ni Cristine sa kanila. Gulo-gulo rin ang buhok ng dalaga. Kakamot-kamot sa buhok at nakapikit ang mga mata.
Nagkatinginan ulit sina Yolly at Andy sa isa’t isa nang wala na si Cristine. Nakangiwi sila.
Mayamaya'y nagwawalang-iyak na naman si Yolly. "Ang virginity ko! Hindi ka man lang nagpaalam bago mo kinuha!"
Napahilamos sa mukha si Andy. Paktay! Naka-virgin na naman yata siya ng isa!
Napatingin siya sa kama pero medyo napakunot-noo siya dahil wala siyang makita na blood stain. Natuwa siya kaunti, subalit mabilis ding napalis ang katuwaan niya nang ipaalala ng isip niyang may mga babae rin na hindi dinudugo 'pag na-virgin-an.
"Anong gagawin natin? Kapag nalaman ito ni Nanay ko ay baka mapatay ako niyon," umiiyak pa rin si Yolly na tanong.
Lumaki ang mga mata ni Andy. Dumating na kaya ang nanay ni Yolly? Hindi nga pala sila puwedeng makita na magkasama sa kuwarto.
Bigla siyang napatayo tapos ay nagmamadali niyang hinila si Yolly.
"Labas tayo rito dali!"
"Bakit?"
"Basta!”
Saktong pagdating nga nila sa sala ay ang pagdating nga ni Aling Yolanda. Halos sumabog ang puso nila sa sobrang kaba.
"Oh, nandito ka pa pala, Andy?" pansin agad sa kanya ng ginang. "Nag-inuman kayo?" ta's pansin din nito sa mga nagkalat na tirang pulutan at bote ng alak sa sahig.
"O-opo, 'Nay. Kasama namin si Cristine." Si Yolly ang sumagot sa ina, halos madinig niya ang kabog sa dibdib niya. Buti na lang. Buti na lang at ngayon lang nakauwi ang nanay niya. Muntikan na sila. Paktay na sana sila! Juskolord!
"Huwag po sana kayong magagalit sa amin, Ma'am. Pasensya na po kayo. May cinelebrate po kasi kaming tatlo," kinakabahang paliwanag naman Andy.
"Dito pala galing 'yung batang 'yon. Susuray-suray pa, eh. Sana hindi niyo muna pinauwi."
"Mapilit po, eh," ani Andy. Nakahinga siya nang maluwang dahil mababa naman ang tinig ni Aling Yolanda. Hindi naman galit. "Gusto po raw niyang umuwi agad. Ako rin po uuwi na rin."
Pinandilatan ni Yolly ang binata. Pagkatapos ng lahat ay uuwi na? Kapal ng mukha!
"Babalik din ako. Magbibihis lang ako," sabi sa kanya nito. May pasimpleng isinisenyas.
"Sige na umuwi ka na at baka hinahanap ka na ng magulang mo. Umabot na kayo ng umaga sa inuman. Mga bata kayo, oo. Huwag niyong sanayin ‘yan at magagalit na talaga ako.”
"Sige po. Pasensya na po, nagkatuwaan lang po kami. Huwag niyo po sanang pagalitan si Yolly."
"Oo na, sige na. Huwag niyo lang sanayin ang ganito."
"Opo, sige po. Una na po ako."
"Andy?" pigil ni Yolly kay Andy. Hinawakan niya ito sa braso para hindi makaalis. Naiiyak na naman siya.
"Babalik ako. Promise."
"Pa'no ako?"
Bulungan ang usapan nila.
"Hindi ko alam, Yolly.”
"Andy, naman, eh."
"Isipin mo na lang na baka walang nangyari, okay?"
"Ano?" Kung wala lang ang nanay niya ay baka nasampal na niya ang binata.
"Sige na, pauwiin mo na 'yang kaibigan mo, Yolly. Tulungan mo na lang ako na ligpitin ang mga kalat niyo rito."
"O-opo, 'Nay."
"Sige na. Promise babalik ako mamaya."
Nginitian siya ni Andy at lumakad na. Pinanood niya na lang ito hanggang makalabas sa kanilang gate. May magagawa pa ba siya? Wala na.