JENNIE Hindi ko alam kung panaginip lamang ba ang lahat ng nangyayari ngayon, dahil para bang magical ang pakiramdam ko sa tagpong ito. Hindi ko maipaliwanag kung bakit pakiramdam ko ay may kakaibang boltahe ng kuryente ang nananalaytay sa ugat ko sa tuwing hahawakan ko si Lyndon. Gumulong siya sa kama, kaya napunta ako sa kanyang ibabaw. Nanatiling nakapulupot sa bewang ko ang kanyang mga braso at magkadikit ang aming mga katawan, pero balewala na sa akin kung anuman ang ayos naming dalawa ngayon. Nakasubsob sa dibdib ni Lyndon ang mukha ko. Malinaw na naririnig ko ang mabilis na tîbok ng kanyang puso na para bang tumakbo siya ng mabilis mula sa malayo. Napapikit na lamang ako ng maramdaman kong hinagod at sinuklay ng kanyang mga daliri ang mahabang buhok ko. Masarap ito sa pakira

