JENNIE “Paano ka nakauwi sa pamilya mo noon, Lyndon?” lakas loob na tanong ko sa lalaking katabi ko. Kahit nag-aalangan at kinakabahan ako ay sinusubukan kong magtanong sa kanya. Ayaw kong sayangin ang pagkakataong ito, na pwede akong makakuha ng impormasyon sa kung ano ang nangyari sa kanya noon. Siya mismo ang kusang nagbukas ng usapan. Nagsimulang magkwento si Lyndon tungkol sa mga nangyari sa kanya noon, anim na taon na ang nakalipas, kahit hindi ako nagtanong ng kahit na anong may kinalaman sa kanyang nakaraan. “Nagising na lang ako noon sa loob ng isang hospital, pero wala akong maalala kung bakit ako naroon at kung ano ang nangyari sa akin. Ang sabi ng mga nurse at doktor na napag-tanungan ko ay may mga lalaki raw ang nagdala sa akin doon, pero agad silang umalis, kaya hindi ko

