OCEANE POV TATLONG araw na ang nakalipas mula nang maging personal maid ako ni Young Master Strive. At sa loob ng tatlong araw na iyon ay mas lalo akong nalito sa ugali niya. Yes, litong—lito na ako sa ugaling pinapakita niya sa akin. Minsan kasi ay napaka—tahimik niya. Minsan ay seryoso naman. Minsa parang galit. At kung minsan naman ay parang nang—aasar siya. Hindi ko na alam kung paano ko siya pakikitunguhan. Gulong—gulo na ako, katulad na lamang ngayon na bitbit ko na ang dinner niya muli. Sana magustuhan niya ang chicken with mushroom. Heto ang naisip kong lutuin for him. Mahigpit kong hinawakan ang tray habang naglalakad na ako papunta sa office room niya. Bakit kasi nandoon siya palagi? Hindi ba pʼwedeng pumasok naman siya sa company nila? Bakit kasi nandito siya pal

