OCEANE POV NAPATAHIMIK ako sa kanilang sinabi. Hindi ako makapaniwala nang marinig kong mabilis siyang magsawa sa mga nagiging personal maid niya. “So, anong gagawin ko po? Siguro naman po ay hindi niya ako tatanggalin? Lalo naman pong wala naman akong ginagawa sa kanya,” sabi ko sa kanila. “Mhkha namang okay ka for him, Oceane. Kasi iyong mga nauna sa iyo... Wala pang isang oras ay natanggal na,” sabi ni ate Betty sa akin. “Ay, oo, Oceane! Naalala ko si Claire, wala pang isa ay tanggal na siya. Alam ko ay magdadala siya ng pagkain tapos nakita ko na lang muli na bumaba at umiiyak... Tinanong ko kung anong nangyari, sisante na raw siya. Akala ko tanggal lang siya as personal maid ni Young Master Strive pero hindi. Both! Kaya nang araw na iyon ay umalis na rin siya. Hindi lang si Claire

