OCEANE POV MASAYA akong naglalakad pabalik sa office room ni Young Master Strive. Sobrang saya ko dahil napagluto ko si Young Master Strove. “Young Master Strive, lunch ninyo po!” malakas na sabi ko. Nakita ko na naman ang seryosong mukha niya. “Tuwang—tuwa ka na naman, baby girl. Mukhang nakita mo na naman siya,” sabi niya sa akin. Kaya nawala ang ngiti sa labi ko. Napakamot ako sa aking batok dahil sa sinabi ni Young Master Strive. “Ah, opo, Young Master Strive. Nakita ko po siya sa kitchen...” Napahinto siya. “Pasensya na po... Fan lang po talaga ako ni Young Master Strove.” sabi ko sa kanya at bumaba ang aking labi. Totoo naman kasing fan na fan ako ni Young Master Strove. Kaya bakit ko palalampasin na mapansin ako ni Young Master Strove. Nakatingin lamang siya sa akin. “Narini

